Cabrera sa LRT, MRT personnel: Maging maunawain

LRT-1-Monumento-Station

PINAALALAHANAN ni Light Rail Transit (LRT) spokesman Hernando Cabrera ang mga tauhan ng LRT at Metro Light Rail Transit (MRT) na maging pasensyoso sa mga sasakay na pasahero.

Ang paalala ay kaugnay sa Christmas rush na posibleng maging dahilan nang mas maikling pisi o pasensya ng mga mananakay dahil sa stress sa pagsho–shopping at iba pang pinagkakaabalahan.

Maging ang mga security guards sa LRT at MRT ay pinayuhang maging kalmado sa lahat ng oras dahil sa ilang makasasagupang pasaway na pasahero.

Ayon kay Cabrera, ito ay upang maiwasan ang katulad ng naganap na eskandalong kinasangkutan ng isang lady guard ng LRT Line 2 at ng estudyanteng si Paula Jaime Salvosa na kumalat pa ang video sa internet.

Sinabihan din ni Cabrera ang mga mananakay na makisama sa mga security personel at ipa-check ang kanilang mga gamit.

Maging ang mga regalo aniya ay susuriin kaya maiging huwag munang iselyo ang balot ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply