Call center agent na holdaper tiklo

crime7

ARESTADO kagabi Nobyembre 18 ang isang call center agent na suma-sideline na holdaper habang hinoholdap ang isang taxi drier sa lungsod ng Parañaque.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Carlo G. Santos, 25-anyos, residente ng South Switzerlad Street, BLS, Brgy. Don Bosco, Paranaque.  Nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang lalaki na kasama ni Santos.

Sa ulat na ipinadala sa National Capital Regional Police Office, dakong alas-11:30 ng gabi nang parahin ang biktimang si Eddie Preagola, 43-anyos, taxi driver, ng West Fairview, Quezon City, ng
dalawang suspek sa may Buendia, Makati at nagpahatid sa may Valley 1, Paranaque.

Nang makarating sa  Dominic Savio Street, Brgy. Don Bosco, naglabas ng baril ang mga suspek at nagdeklara ng holdap.  Nilimas ng dalawang suspek ang P2,000 kinita ni Preagola sa pamamasada at maging ang cellular phone nito bago puwersahang pinababa ng taksi at tumakas gamit ang sasakyan.

Sumakay naman ang biktima ng tricycle at nagpahatid sa Don Bosco Police Community Precinct at iniulat ang krimen.  Agad na nagsagawa ng pursuit operation ang mga pulisya kaya nasakote ang suspek na si Santos lulan pa ng naturang taxi at narekober ang kalibre .38 gamit sa krimen habang nakatakas ang kasamahan nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply