Call center agent nagbaril sa sarili sa Manila

NAHAHARAP sa masusing imbestigasyon ng Manila Police District ang pagkamatay ng 37-anyos na call center agent, matapos magbaril sa sarili kaninang hapon sa loob ng kanilang bahay sa San Andres, Manila.

Kinilala ang biktimang si Jose Martin, binata ng Alabastro St., San Andres, Malate, Manila.

Sa ulat ng MPD-Crime Against Persons Investigation Section, pasado ala-1:00 ng hapon, nang makarinig ng malakas na putok ng baril si Mang Antonio na ama ng biktima sa kuwarto nito.

Narekober sa lugar ang isang kalibre 22 na baril na hinalang pag-aari ng biktima.

Ayon kay Mang Antonio, nakita pa niya ang anak habang sunod-sunod ang paninigarilyo sa kanilang beranda pasado alas-12:00 ng tanghali.

Lumalabas na dahil sa hindi ma-promote sa trabaho kaya nagawang patayin na lang ng biktima ang sarili.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply