Call center agents sa bansa in-demand pa rin – DOLE

INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nananatili pa ring in-demand ang mga call center agent sa bansa. Ito ay batay sa pinakabagong report ng Bureau of Local Employment (BLE).

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang mga nakapaskil na job vacancy sa government website na Phil-JobNet, nasa 22,144 ang Call center vacancies nito lamang Oktubre.

Bukod naman sa call center, nasa “hot” jobs rin ang technical support staff; production/factory workers; product specialists; service crew; cashiers; merchandisers; sales clerks; customer service assistants; sales executives; security guards; customs representatives; utility workers; marketing specialists; janitors; laborers; promo salespersons; promo staff; maintenance crew; masons; software instructors; office clerks; stock clerks; warehouse clerks; production technicians; collectors; at drivers.

Kaugnay nito, nagpaalala naman ang DOLE sa mga naghahanap ng trabaho sa internet na ugaliing bisitahin ang website ng Phil-JobNet upang makatiyak na ang mga trabaho ay hindi bogus o peke.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply