Canadian gov’t pabor sa Bangsamoro Framework Agreement

KINAMPIHAN ng Canadian government ang Pilipinas sa desisyon nitong lagdaan ang Bangsamoro Framework Agreement.

Sa katunayan ay ipinarating ni Canadian Prime Minister Stephen Harper ang commitment ng Canada sa peace process sa rehiyong Mindanao.

Ayon kay Pangulong Benigno Aquino III, ipinaabot ni Harper ang positibong pananaw nito sa nilagdaang kasunduan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kanilang matagumpay na bilateral meeting.

Ang Canada ay isa sa international community na tumutulong sa pagsusulong ng kapayapaan at development sa rehiyon.

“Canada is also one with the Philippines in promoting peace and development in Mindanao. Prime Minister Harper expressed optimism over the Bangsamoro Framework Agreement, and relayed Canada’s commitment to support the peace process in Mindanao,” ani Pangulong Aquino.

Sa kabilang dako, tinalakay din sa pulong ng dalawang lider ang pagpapaigting sa “trade and investment ties” ng dalawang bansa at panatilihin na yumabong ang tinatawag na “people-to-people ties”.

“Canada recognizes the economic gains resulting from our commitment to good governance, integrity, and transparency, manifested in the reforms we are implementing in the Philippines. We look forward to increasing trade and investment with Canada,” ang pahayag ng Chief Executive.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply