Cancer-causing Korean noodles wala na sa merkado – PASI

PINAWI na Philippine Association of Supermarkets Inc. (PASI) ang pangamba ng publiko kaugnay sa nakaka-cancer na Korean noodle sa supermarket.

Ayon kay PASI President Federico Ples, wala na sa mga supermarket ang mga pinare-recall na Korean noodles.

Sinabi ni Ples na agad kumilos ang kanilang mga kasapi matapos ipag-utos ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbawi sa mga Korean noodle na nakitaan ng cancer causing chemical.

Kasabay nito, sinabi rin ni Ples na maliit na porsyento lamang ng mga Korean noodle ang nakapapasok sa merkado ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply