Casiño, 5 kandidato inampon ng Partidong Makabayan

LIMANG kandidato para sa Senador ang inampon ng  Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) isang partido pulitikal na sasabak sa eleksiyon sa Mayo 2013,

Ayon sa partido ang limang guest candidates nila para sa senatorial slate ay matagal nilang binusisi bago pinili dahil sa prinsipyo at adbokasiya ng mga kandidato.

Iprinisinta kanina ni Satur Ocampo,  Presidente ng Makabayan,  sa press briefing sa Quezon City Sports Club, ang kandidatura at ang standard bearer nilang si Muna Rep. Teddy Casino.

Kabilang din sa inanunsiyo ni Ocampo ang pagpasok sa partido nina Senators Loren Legarda, Joseph Francis Escudero at Aquilino Pimentel 111, dating kinatawan  Rep. Cynthia Villar at Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) chairman Grace Poe-Llamanzares in its slate.

Tinawag na  6 Senate champions ng Makabayan ang mga kakandidato dahil sa anilay angking leadership , integridad at pagiging makatao.

Nangako naman  ng suporta sa partido ang  Makabayan’s senatorial group sa  advocacies nito sa pangkalahatang isyu na kinabibilangan ng pagpapababa ng halaga ng produktong petrolyo , tubig, kuryente , mga pangunahing pangangailangan at serbisyo sa publiko sa pagpapakilala  ng reporma sa pagbubuwis at pagpapresyo

Isusulong din ng partido ang tunay na agrarian reform, pro-people minimg policies, environmental protection, equitable minimum wage at salary adjustments sa pampubliko at pribadong sector,tulong sa mga sakahan at pangisdaan at insentibo  sa mga maliliit na negosyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply