Casiño tumestigo vs GMA sa Sandiganbayan

ISINALANG kahapon sa witness stand ng Sandiganbayan 4th Division si Bayan Muna Party list Representative Teddy Casiño.

Ito’y kaugnay sa ginawang pagdinig sa kaso ng umanoy maanomalyang NBN ZTE deal na isinampa laban kay dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo at iba .

Agad namang sinupalpal ng abugado ng depensa na si Atty. Jose Flaminiano ang nasabing pagharap ni Casiño sa witness stand dahil wala direktang alam si Casino sa naturang kaso.

Aminado si Casino, wala siya sa actual na pinangyarihan ng deal pero ang kanilang pinagbabasehan ay ang senate inquiry.

Tumagal lamang ng 30 minuto ang pagdinig sa kaso ni Arroyo sa Sandiganbayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply