Catholic vote hindi imposible – Obispo

basilan-bishop-martin-jumoad

HINDI political myth lamang ang Catholic vote.

Ito ang binigyang-diin nina Basilan Bishop Martin Jumoad at Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez kasunod nang pangmamaliliit ng mga pro-Reproductive Health (RH) lawmakers sa Catholic vote na isinusulong ng mga Obispo laban sa kanila.

Sinabi ni Jumoad na hindi imposible ang Catholic vote laban sa mga pro-RH candidate sa 2013 midterm elections at ipinaliwanag na kung magkakaisa at magtutulungan lamang ang mga Obispo sa kampanya laban sa RH bill at sa mga mambabatas na nagsusulong nito ay tiyak na mapapatunayan ng Simbahang Katoliko na mayroong Catholic vote.

Ayon sa Obispo, mahalaga ding tutukan ng Simbahan ang pagpapaliwanang sa taumbayan sa tunay na kahalagahan ng buhay.

“If the Bishops will really unite and will really pursue the campaign, I think, they will really come with a Catholic vote,” ani Jumoad, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Parang determinado, if the Bishops are determined and they will really campaign that against those who will sponsor the RH bill have to be rejected by Catholics. If really given emphasis by bishops, I think, makakakuha tayo ng boto,” aniya pa.

Samantala, sinabi naman ni Gutierrez na matagal na niyang isinusulong sa kanyang Diocese ang Catholic vote na minamaliit ng mga pro-RH advocates.

Tiwala ang Obispo na ang Catholic vote ay makapagdadala ng pagbabago sa 2013-midterm elections laban sa mga kandidato na nagsusulong ng RH bill.

Matatandaang una nang sinabi ni Senator Miriam Santiago na political myth lamang ang Catholic vote, habang naniniwala naman si Albay Rep. Edcel Lagman na pabor sa RH bill ang Catholic vote.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply