Cat’s Silver umeksena sa PCSO race

IMPRESIBONG tiyempo ang itinala ng batang kabayong si Cat’s Silver upang angkinin ang PCSO Special Maiden Race kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite kahapon.

Kampanteng sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the year awardee Jonathan Basco Hernandez ang winning horse upang ilista ang 1:28.4 sa 1,400 meter race at iuwi ang P600,000 na premyo.

“Mahusay siya halos nakaupo lang ako at hinihintay ko na lang dumating sa meta,” pahayag ni star jockey Hernandez.

Papasok ng far turn ay umaarangkada na sa unahan ang kabayo ni Mandaluyong mayor Benhur C. Abalos na si Cat’s Silver at pagsapit ng huling kurba ay mag-isa na lang ito sa unahan upang tawirin ang meta ng may anim na kabayo ang distansya sa nasegundong si Haring Benedict na nirendahan ni class A rider Rodeo G. Fernandez.

Terserong dumating si Mistah na ginabayan ni class A jockey Antonio B. Alcasid habang pang-apat tumawid ng meta si Nurture Nature na sinakyan ni class D rider EL Blancaflor.

Nakopo ni Haring Benedict ang second prize na P225,000 habang P125,000 ang kinubra ni Mistah.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply