CBCP binalaan ng Vatican vs schismatic groups

BINALAAN ng Vatican ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) laban sa dalawang schismatic groups dahil hindi kinikilala ang mga ito sa Roma, at ang isa ay nasa Pilipinas.

Sa isang communiqué mula sa Apostolic Nunciature sa Pilipinas, sinabi ng Holy See sa mga obispong Pinoy na hindi nila kinikilala ang Roman Catholic Society of Pope Leo XIII (RCSPLXIII) at ang Igreja Catolica Apostolica Brasileria (ICAB) bilang mga lehitimong Catholic Church organizations.

Sinabi ni Monignor Gabor Pinter, chargé d’affaires ng Apostolic Nunciature, ang RCSPLXIII na pinamumunuan ni David G. Bell ay ‘schismatic group’ na hindi kinikilala ng Simbahang Katoliko.

Iginiit pa ni Pinter na ang mga Obispo na inordinahan sa RCSPLXIII ay hindi maaaring magsagawa ng anumang ministry sa loob ng Catholic Church, na hindi kumikilala sa kanilang ordinasyon.

Aniya, ganito rin ang konsiderasyon sa ICAB, na isang schismatic community na itinatag ni Carlos Duarte Costa, na namatay noong 1961, at pinalitan ni Luis Fernando Castillo Mendes, na pumanaw naman noong 2009.

Nabatid na sa Pilipinas, ang Sacred Cruces Franciscanum (Sacred Cross Franciscans), na offshoot ng ICAB ay matatagpuan sa may tatlong diocese.

Ang SCF ay kasalukuyang pinamumunuan ni Rogelio del Rosario Martinez, na ayon kay Gabor, ay nagtangkang humalo sa CBCP at i-enroll ang kaniyang community sa Catholic Directory of the Philippines.

Sinabi naman ni Msgr. Joselito Asis, secretary general ng CBCP,  na ipinabatid na nila ang naturang impormasyon sa lahat ng diocese sa bansa, bagamat mayroon lamang SCF members sa mga Dioceses ng Malolos, Novaliches at Antipolo.

Ang schismatic ay naghihiwalay sa kanyang sarili mula sa unity ng simbahan sa pamamagitan nang pagtangging magpasakop sa Santo Papa habang ang schism naman, alinsunod sa canon law ay isa sa mga paglabag na may katapat na parusang automatic excommunication.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply