Celtics umiskor sa Thunder

celtics

NAPUTOL din ang kamalasan ng Boston Celtics matapos nilang talunin ang Oklahoma City Thunder, 108-100 kanina sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Galing sa dalawang sunod na talo ang Celtics kaya sinamantala na nila ang kanilang home court advantage upang ilista ang 7-6 win-loss slate.

Hinawakan ng Thunder ang unang quarter, 28-21 subalit ng mag-umpisang kumana sa labas sina Paul Pierce at Jason Terry ay naagaw ng Celtics ang lamang sa half time, 45-48.

Pinasan ni Pierce ang opensa ng Celtics matapos umiskor ng 27, apat na rebounds at tatlong steals habang si Terry ay tumikada ng 16 markers.

Umabante pa ang Boston hanggang 11 puntos na lamang sa third canto, 77-65 pero ipinakita nina Kevin Durant at Russell Westbrooks ang kanilang tikas nang arangkadahan nila ang 9-0 run at makahabol ang Thunder sa fourth period,101-98 mahigit dalawang minuto na lang ang nalalabing oras.

Hindi naman bumitaw ang Celtics at nairaos nila ang laban para mapaganda na rin nila ang kanilang record sa home, (4-3).

”It’s great to beat Oklahoma,” wika ni Celtics coach Doc Rivers. ”They were in the finals last year, and they’re the team to beat, I guess, in the West. But it was more how we played. We played with great force tonight.”

Bumira rin si Celtics star player Kevin Garnett ng 18 points, nine rebounds at four assists habang ang kakamping rookie na si Jeff Green ay nag-ambag ng 17 pts.

Anim na puntos lang ang kinana ni Celtics point guard Rajon Rondo subalit bumira naman ito ng 16 na assists at walong boards.

Si Durant naman ang bumida sa opensa para sa Thunder na may inarangkadang 29 points.

Samantala, lubmok na naman ang Los Angeles Lakers matapos nilang malasap ang ika-pitong talo at mangupete sa 6-7 baraha.

Tinalo sila ng Memphis Grizzlies, 98-106.

Sa ibang NBA resulta, tinambakan ng Houston Rockets ang New York Knicks, 131-103 habang nanaig ang san Antonio Spurs kontra Indiana Pacers, 104-97.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply