Centenarian Act of 2012 ikinakasa sa Senado

centenarian

IKINAKASA sa senado ni Senador Francis Pangilinan ang panukalang batas na naglalayong pagkalooban ng gobyerno ng P100,000 ang mga Pinoy na aabot sa 100 ang edad.

Ang panukala ni Pangilinan ay sakaling maipasa ang Senate Bill 3328 o ang “Centenarian Act of 2012” na nakalatag na umano ngayon sa Senado.

Ayon kay Pangilinan, bihira na ang mga nakakaabot sa edad na 100 na karaniwan ay nabubuhay ng 60 hanggang 80 anyos

Ayon sa report ng National Statistical Coordination Board noong 2006, ang life expectancy ng mga lalaking Pinoy ay 66.1 samantalang 71.6 ang sa kababaihan.

Batay naman sa 2010 census na ipinalabas ng national statistics office, ang mga Pilipinong nasa mahigit 100 ang edad ay 00.8% lamang.

Sa panukala ni Pangilinan, nais nito na bigyan ng parangal at kilalanin ng gobyerno ang mga Pinoy na aabot na sa 100 ang edad.

Ipinadedeklara rin ang Setyembre 25 bawat taon bilang “National Respect for Centenarians Day.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply