Center island sa harap ng Sandiganbayan inararo ng trak

trak-inararo-ang-center-island

INARARO ng isang dump truck ang center island sa Commonwealth Avenue, Quezon City sa tapat mismo ng Sandiganbayan.

Nabatid na nawalan ng control ang driver ng dump truck na kinilalang si Diego Bonifacio at nabangga ang mahigit sa 50-metrong haba ng bakod at mga tanim sa center island.

Ayon sa salaysay ng pahinante nitong si Jon Jacinto, umiwas si Bonifacio sa dalawang nagkakarerahang bus kaya sila sumampa sa center island.

Nagmula sa Montalban ang naturang trak na papunta sana sa Greenhills upang mag-deliver ng buhangin.

Agad namang nilinis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga nawasak na bakod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply