Ceramic Christmas decors, may sangkap na lead

NAGBABALA ang toxic watchdog na EcoWaste Coalition sa publiko laban sa pagbili ng mga ceramic Christmas decors na hindi sertipikadong “toxic-free,” matapos matuklasang mayroon itong sangkap na lead at iba pang uri ng nakalalasong kemikal.

Ayon sa grupo, siyam sa 12 mumurahing ceramic items na pandekorasyon sa Pasko at may mga imahe nina Frosty the Snowman, Santa Claus at Christmas tree na sinuri sa pamamagitan ng portable x-ray fluorescence (XRF) spectrometer, ay natuklasang nagtataglay ng lead na mas mataas sa itinatakdang US limit na 90 parts per million (ppm) para sa lead paint.

Wala naman umanong alinman sa mga sample ang nagsasaad ng babala na gumamit ito ng lead glaze o lead paint, at wala ring anumang lead warning.

Ayon sa grupo, ang lead ay kilala bilang chemical poison na maaaring makapinsala sa utak at the central nervous system ng isang tao, partikular ng mga paslit.

Ilan sa long-term effects ng lead exposure ay mental retardation; learning disabilities; language, speech at hearing disorders; attention deficit at iba pang mental maladies, aggression at mga behavioral challenges.

Nabatid na ang mga dekorasyon ay nagkakahalaga lamang ng P35 hanggang P168 kada piraso at nabili noong Undas break mula sa mga bargain retailers sa Monumento, Caloocan City, Quiapo at Divisoria, sa Maynila, at Cubao at Mega Q-Mart, sa Quezon City.

Bukod sa lead, ang ibang dekorasyon ay nagtataglay rin umano ng antimony, arsenic at cadmium, na mapanganib rin sa kalusugan.

Ayon kay Thony Dizon, coordinator ng Project Protect ng EcoWaste Coalition, bagamat para lamang naman sa pandekorasyon ay maaaring maging mapanganib pa rin ang mga lead-tainted Christmas figurines at iba pang mga dekorasyong pam-Pasko dahil maaari pa rin naman itong mapasakamay ng mga paslit, na mahilig maglaro sa makukulay at magagandang bagay.

“While some may claim that a leaded ornament does not pose a considerable risk of lead exposure, we think it is always better to stay away from products containing lead, especially if there are safer substitutes around,” ani Dizon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply