Checkpoint ng PNP, ginagawang ‘cashpoint’- MPF

HINDI umano naaayon sa tamang pag-iinspekyon ang ipinatutupad na checkpoint ng Philippine National Police (PNP) .

Ito ang inihayag ni Atoy Sta Cruz, Director for Administration ng Motorcycle Philippines Federation (MPF).

Ayon kay Sta Cruz, na bagama’t hindi siya tutol sa ipinapatupad na checkpoint ng kapulisan,dismayado siya hindi naman ito kumbinsido sa proseso ng pag-iinspkesiyon.

Ayon pa kay Sta Cuz, tila hindi naman ang “violations” ang hinahanap ng mga awtoridad kung nag-iinspeksiyon sila sa mga nagmomotorsiklo kundi ‘pera’.

“Di ba kung iniispeksiyon nila ang mga nagmomotorsiklo ay inaalam kung may dala itong patalim o baril, pero hindi ganun ang nangyayari kundi tila ‘pera’ ang hinahanap.

Paliwanag pa ni Sta Cruz: “Kung wala umanong nakitang violations ng mga awtoridad ay hinahanapan ang mga nagmomotorsiklo ng ibang violations katulad ng diperensiya sa ilaw, makina o kahit ano pang violations na dapat ay trabaho na umano ito ng Land Transportation Office (LTO).

Plano ulit ni Sta Cruz na makipagdayalogo sa pamunuan ng PNP para sa kanilang karaingan.

Naniniwala naman si Bert Suansing na ang paglalagay ng checkpoint ay pinakmabisang deterrent sa mga riding in tandem subalit pinuna rin nito na ang checkpoint ay nagiging ‘cashpoint’.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply