Checkpoints ikinakasa na sa election hotspots sa bansa

nicanor-bartolome

SINIMULAN na ng Philippine National Police (PNP) ang paglalagay ng checkpoints sa mga lalawigan na tinukoy na hotspots sa eleksyon sa 2013.

Ayon kay PNP chief, Director General Nicanor Bartolome, maaaring nagsisimula na ring kumilos ang mga armadong grupo kaya  uunahan na nila ang mga ito para mahadlangan ang anumang masamang plano.

Partikular na pinatututukan ni Bartolome ang mga lugar na mainit ang labanan ng mga political clans.

Sa kalagitnaan ng Enero ay nakatakda nang ipatupad ng PNP ang gun ban bilang paghahanda sa eleksyon.

Sa panahon ng gun ban, suspendido ang lahat ng lisensyang makapagdala ng baril at tanging ang mga unipormadong pulis o sundalo ang puwedeng magdala nito.

Una nang inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 15 lalawigan sa bansa ang natukoy nilang hotspots sa eleksyon

Binabantayan na ng mga awtoridad ang aabot sa 15 probinsya sa bansa na tinaguriang “high risk areas” sa darating na eleksyon.

Ayon kay Interior Secretary Mar Roxas, tinaguriang high risk ang naturang mga probinsya sapagkat tuwing eleksyon maraming karahasan ang naitatala sa mga lugar na ito.

Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

• Abra
• Pangasinan
• Ilocos Sur
• La Union
• Cagayan
• Pampanga
• Nueva Ecija
• Batangas
• Cavite
• Masbate
• Samar
• Misamis Occidental
• Maguindano
• Lanao del Sur
• Basilan

Dagdag pa ni Roxas na marami sa mga probinsyang ito ang may mga private army, alitan ng mga tumatakbong pamilya, mga militanteng grupo, mga gang, at iba’t ibang uri ng crime group.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply