Chief engineer utas sa jungle bolo

“PATAYIN mo ako, sige patayin mo ako!” ito ang nasambit ng 34-anyos na chief engineer, mula sa isang quarter master matapos magkaroon ng pagtatalo sa loob ng tugboat ng M/T Nicole sa Manila Harbour Center sa North Harbor Tondo, Manila.

Namatay noon din si Rio Billones, ng Juan Luna St., sa panulukan ng M. Industria St., sakop ng Tondo.

Hindi naman nagawang makatakas ng suspek na nakilalang si Julito Sibongga, 40, ng Kasahan St., Batasan Hills, Quezon City.

Sa ulat, dakong 8:45 ng gabi nang maganap ang nasabing krimen sa loob ng tugboat sa nasabing lugar.

Bago ang krimen, magkasama sa loob ng M/T Nicole na isang tugboat sina Engineer Billones at suspek habang minamaneho ito ng isang Eliseo Sacedor, 46, captain at stay in sa Coastline Integrated Serivices Corporation sa 1357 Romuladez St., Paco , patungo sa terminal sa Delpan, Baseco, bago ito iatraka sa Manila Harbour Center.

Habang patungo na sa nasabing lugar ang dalawa, narinig ni Sacedor ang pagtatalo ng biktima at suspek hanggang sa maulinigan nito ang biktima na nagsasalita ng “patayin mo ako. Sige patayin mo” at kitang kita pa niya nang damputin ni Sibongga ang jungle bolo saka pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Engineer Billones.

Pagsapit sa pantalan, inutos ni Capt. Sacedor sa ilang tripulante na itali ang tugboat at ipinahuli ang salarin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply