Child labor sa Bicol region, ikinabahala ng DOLE

NABABAHALA ngayon ang Department of Labor and Emplymnt (DOLE) sa Bicol region dahil pumapangalawa na ito sa may pinakamaraming kaso ng child labor sa bansa.

Sa lumabas ng pag-aaral ng National Statistics Office (NSO) at International Labor Organization (ILO), may 300,000 kabataan na ang nagtratrabaho sa rehiyon dahil na rin sa hirap ng buhay.

Nangunguna naman ang Central Luzon na may 316,000 child laborers, pangalawa ang Bicol, na sinusundan ng Western Visayas na may 250,000, Northern Mindanao na may 248,000, at Central Visayas na may 225,000 child laborers.

Nasa edad na 15 hanggang 17 naman ang mga kabataan na maagang nagtratrabaho kung saan karamihan sa mga ito ay napapasabak sa prostitusyon, pagsasaka, pangingisda, pagmimina, factory work, pagtitinda sa kalye at pagiging kasambahay.

Bumuo naman ng ilang programa ang ahensya, lokal na gobyerno at ilang organisasyon upang masugpo at masolusyunan ang child labor sa rehiyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply