Chinese e-passport, ipinauubaya na sa DFA

PAMAMAHALAAN na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagtugon sa pagsama ng China sa mapang nakapaloob sa kanilang e-passport sa West Philippines Sea.

Iginiit ni DFA Secretary Albert Del Rosario na hindi tinatanggap ng Pilipinas ang validity ng ‘nine-dash line’.

Kasabay nito, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, naghain na ng note verbale ang DFA sa Chinese Foreign Ministry bilang protesta sa kanilang hakbang.

Ayon kay Lacierda, unang naghain ng note verbale ang DFA nang isama ng China ang Sansha Islands sa kanilang teritoryo.

Tiniyak ni Lacierda na nanatiling vigilant ang DFA para protektahan ang interes ng Pilipinas sa international forum.

Ayon pa kay del Rosario, dapat bigyan ng respeto ng China ang teritoryo ng Pilipinas sa pag-angkin nito sa West Philippine Sea.

Magugunita na bukod sa Pilipinas, iprinotesta rin ng Vietnam ang paglalagay ng mapa sa Chinese passport dahil isinama rin umano doon ang teritoryo nila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply