Choco drink na pina-recall sa US ‘di nakapasok sa bansa – FDA

TINIYAK na ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi nakapasok sa bansa ang mga produktong Nesquik Chocolate Powder na pinare-recall sa Esatados Unidos dahil sa hinihinalang kontaminado ito ng salmonella.

Sinabi ni FDA Deputy Director Nazarita Tacandong na ligtas ang Nesquick products na nasa Pilipinas kaya walang dahilan para ipa-recall din ang naturang produkto.

Samantala binawi na ng FDA ang pagpapa-recall ng sa mga Korean noodles.

Ayon kay Tacandong, ito ay matapos lumabas sa kanilang pagsusuri na ligtas kainin ang mga Korean noodles na nakapasok sa bansa.

Magugunitang ipina-recall ang mga Korean noodle dahil sa sinsasabing nagtataglay ang mga ito ng kemikal na maaaring magdulot ng sakit na cancer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply