Christmas bonus, allowance dapat tax free – Recto

MULING iginiit ni Sen. Ral[h Recto na dapat nang gawing tax free ang Christmas bonus at 13th month pay at allowances na tinatanggap ng pangkaraniwang manggagawa na hindi lalampas sa P60,000 mula sa kasalukuyang P30,000 kita upang lumakas ang purchasing power nito sa Kapaskuhan.
Sinabi ni Recto sa ipinalabas na pahayag na hindi na napapanahon ang buwis na ipinapataw sa bonus at allowance na hindi lalampas sa P30,000 dahil isinagawa ito nang kumokolekta pa lamang ng P2,800 ang sahod ng mangagawa sa pamahalaan at umaabot lamang sa P25,000 ang kita ng Pangulo ng bansa.

Sa kasalukuyan, umaabot sa P8, 287 ang pangkaraniwang sahod ng manggagawa sa pamahalaan habang umaabot naman sa P120,000 ang sahod ng chief executive.

“This is the kind of a one-tier increase that all advocates and lobbyists – foreign-funded or not – should be championing,” aniya.

Iginiit pa ni Recto na kapag pinapatawan ng buwis ang bonus at allowance na lumalampas sa P30,000 itinuturing na ang job well done ay “kasalanan” at pagbibigay ng employer bilang “felony.”

“A worker bound to receive a little more than P30,000 in bonuses and allowances should not be penalized with a tax. The tax is essentially a disincentive for workers aspiring for a higher pay scale that naturally comes with generous perks and bonuses,” aniya.

Base sa 1997 National Internal Revenue Code, lahat ng empleyado sa pribado at pampubliko na tumatanggap ng bonus na lalampas sa P30,000 ay awtomatikong babawasan ng income tax.

Sinabi pa ni Recto na layunin ng Senate Bill 2879 na basagin ang P30,000 tax exemptioin upang hindi na makaltasan ng buwis ang bonus at allowance na aabot sa P60,000.

Ipinaliwanag pa ni Recto na kung tutuusin pa ang halaga ng implasyon, aabot na lamang sa P15,000 ang halaga ng P30,000 tax exemption na siyang tinaya ng National Economic Development Authority (NEDA).

“With time running out for the approval of this bill, I could only look forward to its serious consideration in 2013 in time for the next holiday season. And who would say that Number 13 is the unlucky number?” aniya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply