CIBAC partylist Rep. Bolos at U2 Health Club siyasatin

burdado-jun-briones2

PANUKALA ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna sa kanyang HB 6610 na amyendahan ang batas sa bribery.

Ayon kay Rep. Tugna, hindi lang mga opisyal ng pamahalaan ang mananagot kung may mangyaring “lagayan”, dapat daw ay pati ang sinomang maglalagay.

Naisip kaya ni Tugna na kaya lamang malakas ang kaso na magpapatunay sa pagtanggap ng “lagay” ng isang opisyal kung tetestigo ang nagbigay nito?

Pero kung pati “giver” ay aasuntuhin, gago ba ito para aminin sa korte na nagbigay nga siya ng “lagay”?

Kahit may ibang testigo o may CCTV na magpapatunay na may iniabot na pera, pagdating sa korte ay baka sabihing nagbayad lang siya ng utang!

Resulta, magiging garapa-lan lalo ang kotongan dahil wala nang lalantad na bribe giver.

Kaya kung gusto ni Tugna na mabawasan ang kotongan ay bigyan ng malaking  “premyo” sa halip na isabit ang sinomang nagbibigay ng lagay.

Para magdalawang-isip ang isang empleyado na tumanggap dahil posibleng isipin na siniset-up lamang siya.

Ang ulo, Rep. Tugna, ay inilagay ng Diyos hindi para sukluban lang ng sumbrero.

Dapat ay ginagamit ‘yan sa pag-iisip! Lalo na kung naturingan ka na isang onorabol!

-o0o-

May texter, nagtatanong kung tiyak daw ba na may nagaganap na “totnakan” sa “U2 health Club” na nasa panulukan ng Macapagal Avenue, Parañaque City.

Gusto niyang palabasin na hindi raw ako sigurado sa impormasyon na ibinigay sa akin.

Tangna, parekoy, ang aking impormante ay nanghihina pa habang nagkukwento sa akin!

Kaya  kung  gustong matiyak ng DOH na walang mga sakit, at ng DOJ at DSWD na walang kaso ng “human traf-ficking” o minors na nasa loob ng U2, bakit hindi siyasatin?

Isang bagay lang po ang lilinawin ko, hindi tayo kontra sa operasyon nitong U2.

Sa ganang akin, matiyak lang na walang minors, walang mga sakit at ligal lahat ang ginagawa sa loob ng U2 ay masaya na tayo. Peryud!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply