CIDG: Huwag bumili ng ‘di lisensyadong baril

firearmss

MULING nagbabala ang pamunuan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na aarestuhain at mahaharap sa kaso ang sinumang bibili ng ‘di lisensyadong baril.

Ayon kay CIDG chief Director Samuel Pagdilao, ang sinumang interesadong bumili ng baril ay kinakailangan hindi binili ang armas sa iligal na pamamaraan lalo na ang malalakas na kalibreng baril.

Dapat umanong alamin ng publiko o makipag-ugnayan muna sa tanggapan ng Firearms and Explosive Divisionm (FED) at alamin ang tamang proseso sa pagbilin ng baril.

Batay sa patataya ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, umaabot na sa 25,065 loose firearms sa bansa.

Bukod pa rito, tinatayang nasa 552,338 long at short firearms na hindi nire-renew ang lisensya na posibleng nagamit o gagamitin sa krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply