CIS-CIDG tandem tagumpay

_bong padua

KAHANGA-HANGA ang pagiging ‘resourceful’ ng liderato ni CIDG head Director Sammy Pagdilao, Jr. sa pagtataguyod ng kanilang sinumpaang responsibilidad.

Punom-puno sa de-kalidad na programa ang mga iniluklok na opisyales ni Gen. Pagdilao kaya naman tagumpay ang CIDG sa kanilang misyon. Isa sa mga programang nagpapatingkad ngayon sa pamunuan ng magiting na heneral ay ang Community Investigative Support na kilala sa tawag na CIS.

Ang CIS ay binubuo ng volunteer anti-crime crusaders na umanib sa CIDG para sa iisang adhikain: ang mapanatili ang peace and order sa bansa. Itinatag ito noong August 2011 at pinamunuan ni Miguel C. Ortiz na tubong Cebu City at nahalal na national president ng samahan.

Mula nang ipinanganak ang CIS, naging masigla at matagumpay ang anti-crime operations ng mga CIDG unit sa buong Pinas. Isang halimbawa ng lugar na labis na nagtagumpay ang CIS ay sa Region 10 – partikular sa Misamis Occidental na pinamunuan ni S/Insp. Danilo Balmes. Ang CIS – Misamis Occidental ang tinanghal na 2012 Best Provincial CIS at isang miyembro nito ay napasama sa 10 Most Outstanding CIS.

Bukod kay Balmes, isang tapik sa balikat kina R-10 CIDG head S/Supt. Eliseo T.Rasco at Coun. Alden Bacal, regional 10 head ng CIS.

SISIHAN SA DENR

Umuusok ang ilong ni Zamboanga Del Sur. Gov. Antonio Cerilles sa galit kay DENR Sec. Ramon Paje at Mining Bureau Dir. Leo Jasareno. Hindi nito maarok  kung ano ang naging panuntunan ng DENR sa pag-isyu ng permit sa Lupa Pigegetawan Mining Corp. para makapagmina ng ginto at minerals sa kanyang lalawigan.

At lalong ikinagagalit ng gober-nador ang paninisisi ni Paje kay Jasareno.

Sus Maria, ikaw ang kalihim at para malusutan ang gusot ay isisisi ang kapalpakan sa subordinate. Tila, nakalimutan ni Paje na siya ang DENR boss.

Ang ugaling ito ni Paje ay halimbawa ng isang mahinang lider na walang desisyon sa sarili.

Eh, bakit ba itinalaga pa siya ni Pangulong Aquino sa puwesto?

Kapag ganyan ang iniluklok na mamumuno sa isang ahensiya, paano maisasakatuparan ang ‘tuwid na daan’ na battlecry ni PNoy?

Sa totoo lang, kung may dapat sisihin sa pagkakapuwesto kay Paje, ito’y si Pangulong Noynoy.

Bilib kasi ang Pangulo sa kalihim kaya ipinosisyon.

Kung sa kasalukuyan may election sa mga opisyal ng pamahalaan para tanungin si Mang Juan kung sino ang nais niyang masibak sa puwesto, siguradong numero uno sa listahan si Paje.

At saka, saan ka ba naman nanakita ng kalihim na ilang beses nang na-by pass sa commission on Appointment? Yan ay ang nag-iisang si Paje lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply