CJ Sereno emosyonal sa prayer assembly

NAPALUHA si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kanyang pagdalo sa National Prayer Assembly ng World Vision na ginanap sa Araneta Coliseum sa Quezon City, kagabi (Nobyembre 9).

Hindi napigilan ni Sereno na maiyak nang kanyang ipinanalangin ang kanyang mabigat na tungkulin bilang punong mahistrado.

Kanyang ipinagdasal ang kalagayan ng mga preso na naghihirap sa masisikip na kulungan sa bansa.

Gayundin, ipinalangin din ni Sereno ang mga seguridad ng mga huwes na karamihan sa mga ito ang napapatay dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Dumalo rin sa naturang pagtitipon si Pangulong Benigno Aquino III na ipinalangin ang kapayapaan ng bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply