Coco Martin di masisira ni Katherine Luna

coco-martin-front

PROVEN na si Coco Martin nga ang tatay ng panganay sa limang anak ni Katherine Luna sa iba’t ibang lalaki.

Paulit-ulit mang sabihin ni Katherine on national television na pabayang ama si Coco sa anak nilang si Nichole dahil sa hindi magandang image ng nasabing mahusay pa namang aktres pero papalit-palit ng lalaki at wala nang ginawa kundi magpabuntis nang magpabuntis, sa aming palagay ay hindi na masisira pa ni Katherine sa publiko si Coco.

Dahil magulo ang buhay ni Katherine, dedma na lang ang fans ni Coco at ang publiko sa mga emote nito on national television.

In all fairness rito kay Nichole, inosente siya sa pinaggagagawa ng kanyang ina. At kung totoong humiling nga ng DNA test ang kampo ni Coco para mapatunayang anak nga siya ng aktor, may sariling dahilan siguro ang mga ito, di ba naman?

Sana naman kasi magpakatino na itong si Katherine at ayusin na niya ang kanyang buhay nang irespeto naman siya. At kung sakaling mabigyan siya uli ng chance sa showbiz, sana this time ay huwag na siyang maging pasaway at maging professional na siya nang magtuluy-tuloy naman ang career niya bilang artista kung saan marami ang hanga sa kanyang acting ability.

Kasi si Coco dahil sa ipinakitang husay at propesyonalismo, itinuturing ng isa sa pinakasikat na actor at celebrity endorser ng industriya. Very, very much agree, gyud!

***

Carmela’s Night ni Carmela W. Malay, tuloy na tuloy na sa Linggo!

SI CARMELA W. Malay ang magbubukas ng month of ber at yan ay sa pamamagitan ng kanyang One Night Sexy Meet & Greet Show titled “Carmela’s Night” that will be held on December 2 at 6 pm sa Candy Shop Super Club, Quezon Ave., Q.C na katabi lang ng Halili-Cruz School of Ballet at Folded and Hung Bldg.

So far, may ilang barako kaming nakausap at kinumpirma mismo ng mga ito sa amin na darating sila sa nasabing show ni Carmela upang masilayan nila ang kaseksihan ng hinahangaan kolumnista ng pahayagang Remate.

‘Yung iba naman, busy na rin sa pag-iipon ng 30 logo ng Remate na kanilang dadalhin buka sa mismong venue ng Carmela’s Night. Hindi lang ang mga male fans ng sexy nating kolumnista ang manonood ng kanyang show. May ilang celebrities at politicians rin na inimbitahan ang manager ng baguhang sex symbol. May VIP seats rin na naka-reserve para sa mga ito. Para naman sa gahol na sa oras at wala ng time na mag-ipon ng logo ng Remate, pwede pa rin ninyong mapanood ang Carmela’s Night. Bumili lang ng tickets sa Candy Shop Super Club sa halagang P500.

Yes, handang-handa na si Carmela na pasayahin at pag-initin ang inyong gabi kasama ng kanyang naggagandagan at seksihang guests na Kissy Babes at Playgirls. Ang Robust dietary supplement for men ang isa sa major sponsors ng nasabing special event. Kaya mga Papa, kita-kits tayo gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply