Coco Martin, local counterpart ni Mario Maurer!

SI COCO Martin ang naisip namin nung una naming makita si Mario Maurer sa press conference ng Suddenly It’s Magic, ang pelikula nina Mario at Erich Gonzales na siguradong palabas na sa mga sinehan habang binabasa n’yo ito.

Sa tingin kasi namin ay magkasing-amo ang mga mukha nina Coco at Mario. Pareho silang mukhang teenager pa kahit na pareho silang hindi na menor de edad.

Si Coco agad ang pumasok sa isip namin pagkakita namin kay Mario dahil ang feeling namin ay, gaya ni Mario, si Coco ang may pinaka-may karapatang sumikat internationally na gaya ni Mario.

Pareho silang ang kauna-unahang pelikula pa lang ay napasali na sa international film festival. Ang I Love Siam ni Mario ay nakasali sa Cinemanila Internatioal Film Festival nung 2008 at nagwagi pa nga siya ru’n na Best Actor para sa pagganap n’ya bilang isang bading.

Ang kauna-unahang pelikula naman ni Coco na Ang Masahista ay inimbitahan sa Locarno International Film Festival sa Switzerland. (Yun din ang kauna-unhang pelikula ng director na si Brillannte “Dante” Mendoza.) Kung sino sa kanilang dalawa ang mas mahusay na aktor, di namin mahuhusgahan sa ngayon dahil ni isang pelikula ni Mario ay di pa namin napanonood.

Nakatakda pa lang kamimg manood ng Suddenly It’s Magic nila ni Erich. Gayunpaman, rito sa Pilipinas ay kinikilala na si Coco na napakahusay na aktor kahit hindi pa siya pinapalad na gaya ni Mario na magwaging best actor sa isang international festival. Alam na alam naman nating lahat na siya ang pangunahing bituing lalaki sa Kinatay na nagpanalo ng Best Director kay Brillante “Dante” Mendoza sa Cannes International Film Festival.

Parang mas matangkad si Mario kesa kay Coco. At kung si Mario ay mas mukhang Chinese kesa Thai, yon ay dahil sa Chinese-Thai ang ina n’ya.

Ang pagka-tisoy naman n’ya ay galing sa kanyang ama na isang Aleman (German) na nag-settle sa Thailand (at yumao na pala nung nakaraang taon).

Parang walang nakaaalam kung bakit mukhang Bumbay si Coco, na ang tunay na apelyido sa ama ay Nacianceno. Parang hindi n’ya nababanggit ni sa alin mang interbyu sa kanya kung sino ang may lahing Bumbay sa mga magulang n’ya na matagal nang hiwalay.

Una nga palang pumunta sa Pilipinas si Mario para maging modelo ng Filipino brand of outfits na Penshoppe. Of course, si Coco man ngayon ay isa sa mga signature model ng Filipino brand din na Bench.

Ah, basta, para sa amin si Coco, sa hanay ng mga batang actor, ang pinaka may karapatang maging international showbiz idol-actor na gaya ni Mario.

Samantala, romantic comedy ang Suddenly It’s Magic na partly ay isinyuting sa Thailand. Ang daming kumedyanteng nasa cast nito, sa pangunguna ni Joy Viado. Pati nga ang parang ang tagal nang walang pelikula na si Dinky Doo Jr. ay nasa cast nito. Parang ito yata ang kauna-unahang romantic comedy film ni Direk Rory Quintos.

Oo nga pala, baka hindi n’yo alam na ang Thailand ay sikat sa kabadingan. Sabi ng mga kaibigan naming nakarating na roon, ang gaganda ng mga bold show sa mga gay bar sa Thailand. Talaga raw may sex industry ru’n, lalo na para sa mga bading. Pati nga raw mga dancer sa royal palace ay mga bading na mukhang babaeng-babae. Pero parang hindi naman yata legal ang same-sex marriage sa Thailand kahit na sa nasabing bansa rin daw ang pinakamura at pinakamabilis na pagpapa-opera para magkaroon ng sex organ ng mga babae ang mga bading. (Hindi pa namin alam kung mero’n din sa Thailand na sex operation para maging lalaki ang isang babae.)

Dahil nga siguro sa may well-developed sex industry sa Thailand, napakataas rin ng bilang ng mga tao ru’n na HIV positive. Tuwing may mga kaibigan nga kaming napag-aalaman naming rarampa sa Thailand, mahigpit naming ipinapaalala na laganap na run ang HIV positive. Of course, mataas na rin ang bilang ng HIV positive ito sa Pilipinas, pero parang mas mataas pa rin sa Thailand kahit na ang main religion ru’n ay Buddhism. (Pero Christian po si Mario, hindi Buddhist.)

Mahaba ang bakasyon ngayon, bukod pa sa semestral break naman talaga sa mga kolehiyo at unibersidad. Kung gusto n’yong matuwa at kiligin, watch kayo ng Suddenly It’s Magic.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply