Cojuangco at Gonzales nagkaayos na

neptali-kimi

NAGKABATI na sina House Majority Leader Neptali Gonzales II at Pangasinan Rep. Kimi Cojuangco na naunang nagkairingan sa isyu ng Reproductive Health bill.

Kinumpirma ni Cojuangco na nakipag-ayos na siya kay Gonzales kasabay ng pagtanggap sa Kamara ng bagong bersyon ng RH bill.

Inamin ni Cojuangco kay Gonzales na nasaktan niya ito sa pamamagitan ng maaanghang na pahayag sa social networking site na Twitter.

Unang pinasaringan ni Cojuangco na si Gonzales ang nasa likod ng pagpatay sa kontrobersyal na panukala.

Pinuri rin ng lady solon ang ginawa ng majority leader na nagmosyon sa plenaryo na tanggapin na ang substitute bill ng RH bill.

Umaasa na lamang si Cojuangco na magtutuloy-tuloy na ang pagkakaroon ng kurum upang masimulan na ang individual amendments at mapagtibay ang RH bill sa Disyembre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply