Collectors ni Gen. Espina at CHR inutil sa Masbate

PATULOY ang pamamayagpag ng mga tauhan ni Col. sa kanilang “weekly collection” sa iba’t ibang iligal sa Kalakhang Maynila.

Sa kanilang pangungulekta sa  jueteng, bookies ng karera, video karera, sakla, perya, club na may mga bold show at putahan sa massage parlors,” iisang pangalan ang ikinakanta nitong mga pulis con collectors na sina Jiggs at Jun Bernardino.

Sila, parekoy, ang collectors umano ni Col. Lee na siya namang “bagman” ni NCRPO Chief Gen. Leonardo Espina.

At sa kwenta, parekoy, ng ating “tawiwit” ay tumatagin-ting na P2 milyon ang remittance tuwing Lunes.

Ang nasabing halaga ay inihahatid umano tuwing Lunes ni Col. Lee kay Gen. Leonardo Espina.

Ewan lang kung kay Gen. Espina nga napupunta ang nasabing halaga.

Pero kung sakaling nabubukulan ka lang, Gen. Espina, sir, bakit ‘di mo komprontahin ‘yang si Col. Lee? tutal ‘trusted’ mo naman ‘yan!

Subukan mo lang itanong, sir, kung magkano umaabot ang “weekly collection nina Jiggs at Jun Bernardino!

-o0o-

INUTIL, parekoy, ang Commission on Human Rights sa kaso ng pangmamaltrato sa  preso nitong Jail In-Charge sa Masbate Provincial Jail.

Ang ginawa ni JIC Villegas na pagpoposas sa presong si Jobert Majestral kahit ito ay nasa loob ng piitan ay maliwanag na isang uri ng “paglabag sa karapatang pantao!

Ngunit simula nang ibinulgar natin ang katarantaduhang ito ay mistulang bingi itong commission ni Chairwoman Etta Ann  Rosales! Hinihintay pa yata ni Chairwoman Rosales na mamatay na muna ang nasabing preso bago siya kikilos! Pwe!

Kung mag-iimbestiga lang sana ang CHR sa Masbate Provincial Jail ay mapatutunayan nilang hindi lang ang ginawa ni JIC Villegas sa presong si Majestral ang katarantaduhang nagaganap dito.

Napakaraming preso ang ginagamit din sa “mining operation” sa Aroroy na napipilitan lang dahil sa sobrang takot!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply