Comelec chief, offl’s nasa sa Senate hearing bukas

DADALO ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa isasagawang pagdinig ng Senado hinggil sa political dynasty at partylist system bukas (Huwebes, Nobyembre 8), ito ang tiniyak ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr.

“I am going to attend together with all the commissioners if they are around,” ayon kay Brillantes.

Kasabay nito, nilinaw naman ni Brillantes na dadalo sila sa pagdinig, hindi upang kumprontahin ang mga mambabatas, kundi para sang-ayunan ang mga pag-amyenda sa ilang batas.

Nauna rito, inakusahan ang mga opisyal ng Comelec nang pambu-boycott matapos na hindi makadalo sa isinagawang hearing ng Senate committee on electoral reforms and suffrage noong nakaraang buwan.

Kaagad namang nilinaw ni Brillantes na wala silang planong i-boycott ang naturang pagdinig dahil nagpadala naman sila ng kinatawan sa Senado.

Paliwanag nito, nagkataon lamang na may nauna na silang natanguang lakad na hindi maaaring ipagpaliban.

Tiniyak rin nito na makikiisa sila sa pagdinig ng Senado dahil matagal na nilang nais na magkaroon ng mas malinaw na batas hinggil sa partylist system at political dynasty.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply