Comelec: Gastos sa kampanya, pababantayan

PINAG-AARALAN ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad na atasan ang mga civil society groups para siyang mag-monitor sa mga gastusin ng mga political parties at mga kandidato sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., problema nila ang kawalan ng sapat na tao para tingnan ang lahat ng kontribusyon at mga gastusin ng mga kandidato sa campaign period.

Nabatid na ang naturang trabaho ay nakaatang sa Comelec law department, na mayroon lamang namang hanggang 14 na abogado.

Isa umano sa plano nila upang matugunan ang naturang problema ay atasan ang Namfrel at ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na i-monitor ang campaign expenses ng mga kandidato at i-check ang mga dokumento na isinumite ng mga ito sa Comelec matapos halalan.

“Right now, this is done by our law department. We are low in manpower in the law department. We are looking at volunteers to review these contributions and expenditures, maybe ask civil society groups to help us para ma-monitor lahat and check if they really submitted a correct list of contributions and expenditures and go after those who do not,” ani Brillantes.

Nais aniya nilang gawin ito dahil ayaw na nilang maulit pa ang insidente kung saan isang pulitiko ang bumili ng bahay sa Estados Unidos gamit ang perang sumobra sa kaniyang natanggap na kontribusyon sa eleksiyon.

Ani Brillantes, mali ang ginawa ng naturang pulitiko dahil sa halip na ibili ng ari-arian ay dapat umanong isinauli niya ang naturang kontribusyon sa kaniyang mga donors.

“There was a report once that somebody got so much contribution and they said he brought properties with the excess contributions in the United States and that was open to the public. That is wrong. You cannot declare that and say I used it to buy properties. He should have returned it. Ethics demanded that he return it to the donors pero hindi sinoli e,” paliwanag ni Brillantes.

Nilinaw naman ng poll chief na wala siyang nakikitang masama kung ideklara man ng mga pulitiko na sumobra at hindi isauli ang kanilang campaign contributions.

Gayunman, ang marapat, aniya, ay ideklara ito bilang income at buwisan ng Bureau of Internal Revenue.

Nabatid na ang mga kandidatong mapapatunayang nagsinungaling sa statements ng kanilang campaign contributions at expenses ay mananagot sa kasong perjury.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply