Comelec: Mga kandidatong walang katunggali, ‘wag kampante

IPINAALALA ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. sa mga kandidato na hindi dapat na maging kampante kahit pa wala silang katunggali sa tinatakbuhang posisyon sa darating na May 2013 midterm elections.

Ito’y kasunod na rin ng datos ng poll body na sa 640 na naghain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa pagiging kongresista ay 18 ang walang makakalaban, kabilang na si Pambansang Kamao at incumbent Saranggani Rep. Manny Pacquiao.

Ipinaliwanag ni Brillantes na kahit walang kalaban ay kailangan pa ring maiboto ang isang kandidato para maiproklamang panalo.

Ayon kay Brillantes, sa manual elections ay isang boto lamang ang kailangan para sa isang “unopposed candidate” na maideklarang panalo.

Gayunman, dahil automated aniya ang halalan, ang kailangan ngayon ay makakuha ng boto mula sa isang polling precinct.

Sinabi nito na pagkatapos ay saka pa lamang maaaring maiproklama ang nanalong kandidato nang hindi na hihintayin pa ang kabuuang resulta.

Bukod kay Pacquiao, kabilang sa 18 unopposed candidates ay sina Representatives Rodolfo Fariñas ng Ilocos Norte, Pacquiao ng Sarangani, Josephine Lacson-Noel ng Malabon, Ma. Theresa Bonoan-David ng Manila, Marcelino Reyes ng Marikina, Jose Christopher Belmonte ng Quezon City, Maria Rachel Arenas ng Pangasinan, Dakila Cua ng Quirino, at Enrique Cojuangco ng Tarlac.

Wala ring naiulat na katunggali sina Joseph Gilbert Violago at  Joseph Francisco ng Nueva Ecija, Joel Roy at Isidro Rodriguez Jr. ng Rizal, Reynaldo Umali ng Oriental Mindoro, Gerald Anthony Gullas ng Cebu, Maria Carmen Zamora at Rommel Amatong ng Compostela Valley, at Erple John Amante ng Agusan del Norte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply