Comelec: Sample ballot sinubukan, walang problema

WALANG aberya ang testing sa sample ballot ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine para sa 2013 midterm elections.

Ito ang kinumpirma ngayon ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., kasunod ng pangalawang pagkakataon na tinest ang sample ng balota ng nagwaging bidder na magsusuplay at mag-iimprenta nito.

Batay sa impormasyong ipinarating ng National Printing Office (NPO) sa Comelec chief, wala namang naging problema sa may 1,000 sample ballot  ng Holy Family Inc. na sinubukan gamit ang PCOS machines.

Ang NPO ang siyang naatasang mag-bid para sa mga gagamiting balota sa susunod na halalan kung saan ibinigay ang kontrata sa nasabing kompanya para sa naturang serbisyo.

Ang kontrata ng Comelec sa pag-imprenta ng balota ay nasa P780 million na may katumbas ng pag-imprenta ng 55 milyong balota.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply