Comelec spokesperson nagisa sa promedia forum

lily's-files-lily-reyes

NAGISA nang husto si COMELEC  Spokesperson Atty. James Jimenez kaugnay sa mga isyung kinasasangkutan ngayon ng ahensiya partikular na ang mga na-disqualify na partylist at PCOS machines sa naganap na PROMEDIA Forum noong Martes ng umaga sa Quezon City Sports Center sa Lungsod ng Quezon.

Sa rami ng isyung ibinato ni PROMEDIA Moderator Ed Verzola  at mga tanong ng mga legitimate reporter dito kay Atty. Jimenez ay wala akong narinig na isang kongkretong sagot lalo na ang isyu  ng PCOS machine at ng partylist.

Hindi matanggap ng mga  dumalong mamamahayag ang sagot nitong si Atty. Jimenez, sa tanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ang kanilang mga voter’s ID gayung 2004 pa sila  nagparehistro.

Na kesyo gahol sila sa panahon, na marami ang nagpaparehistro at kung ano-ano pang walang kakuwenta-kuwentang sagot.

Bakit naman ang DFA, LTO, SSS, libo rin naman ang kumukuha ng passport, lisensiya at SSS number, pero ilang araw lang ay naibibigay naman ang kanilang inaplayan.

Bakit ang Comelec ay dine-delay ang Voters ID gayung isa itong national ID.

Hindi rin masagot ng COMELEC spokesperson ang tanong kaugnay sa umano’s milyones na hinihingi ng ahensiya sa mga kandidato o party ist na tulad ng ALAM.

Tuloy nagmamadaling umalis ang spokesperson ng COMELEC at nangako itong babalik na lang sa November 27, kasama na si COMELEC Chairman Sixto Brillantes.

Lalong uminit ang talakayan ng PROMEDIA Forum nang magsalita na ang dalawang kinatawan ng transport group na sina  George San Mateo ng PISTON at Ka Obet Martin ng PASANGMASDA.

Nag pahayag ng katuwaan  ang  lider ng PISTON na si  Mr. Geaorge  San Mateo, dahil kinatigan ang kanilang grupo ng Second Division, samantalang kabaliktaran naman ang naramdaman ni Ka Obet Martin sa naging resulta ng kanilang petisyon.

Sa nasabi pa ring  PROMEDIA Forum ay ibinulgar nitong si Ka Obet Martin ang dahilan kung bakit  na disqualify ang kanilang grupo  bilang isa sa mga kinatawan ng transportation.

Ayon sa lider ng PASANG MASDA  , isa umano sa  dahilan ng kanilang pagkakatanggal sa  listahan ng mga partylist ay ang nominee nilang si Atty. Ferdinand Topacio, na abogado  ni dating Pangulong GMA.

Kaya naman pala, eh, maging aral sana ito sa lahat ng mga nagbabalak na tumakbo at kumandidato  na habang si Pangulong PNoy  pa ang nakaupo ay huwag kayong kukuha ng kaalyado o kakampi ni dating Pangulong GMA para hindi rin kayo mapulitika tulad ng PASANG MASDA.

Sa darating na Martes ay  magiging panauhin ng PROMEDIA Forum si DENR Sec. Ramon Paje, kung saan ay tatalakayin naman ang isyu tungkol sa pagmimina.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestion at komento,  mag-text lang po sa 09155683000  at  09087230036  o kaya ay mag email

lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply