Confirmed!… Mga kapatid ni Jolo ‘ate’ na ang tawag kay Jodi

jodi-sta-maria

NOAH days pa lang ay sinulat na ni BFFT Pete A na may namumuong romansa na sa pagitan nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla. Say pa ng aming amiga, si Jolo ang tumulong noon kay Jodi sa usaping legal na kinaharap ng aktres sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson. Pero dahil parehong tahimik ang magkabilang kampo at walang umaamin sa kanila, medyo namatay at hindi na pinag-usapang masyado ito sa showbiz.

Pero ngayon, putok na putok na ang relasyong Jodi at Jolo at lalong nakumpirma na ang aktres na ang latest girlfriend ni Jolo nang ipakita ang footage sa The Buzz na kuha sa event ng young actor politician kung saan inimbitahan nito ang ilang cast ng Be Careful With My Heart sa lugar nila sa Cavite.

Hayun si Papa Jolo, pinunasan ng panyo ang pawisang mukha ng labs na si Jodi. At sabi, hindi lang ‘yun ang unang beses na nagpunta ng Cavite si Jodi kundi kapag wala itong taping ay madalas siyang bumisita sa pamilya ng boyfriend actor. Sa sobrang closeness ng mahusay na actress ay “Ate” na ang tawag sa kanya ng mga little sister ni Jolo tulad ni Gianna Revilla na papalaot na rin sa mundo ng showbiz.

Sobrang nababaitan kasi sila at botong-boto sa sikat na actress. Well, sa aming palagay baka si Jodi na ang babaeng ihahatid ni Jolo sa altar lalo pa’t aprub na rin siya sa parents ng nobyo na sina Sen. Bong Revilla at Bacoor Congresswoman Lani Mercado. Ka-sweet naman gyud!

***

The Buzz, Best Showbiz Oriented Talk Show Sa Star Awards

ILANG beses nang nasungkit ng 13 years na sa ereng The Buzz ang Best Showbiz Oriented Talk Show mula sa PMPC Star Awards for Television. At ngayong taon sa katatapos lang na 26th Star Awards for TV, muling nakamit nito ang nasabing kategorya. Ang business unit head ng show na si sir Lui Andrada at executive producer na si Ms. Nancy Yabut ang personal na tumanggap ng naturang award para sa kanilang Sunday No. 1 world-class Showbiz Talk Show hosted by Asia’s King of Talk Kuya Boy Abunda, Toni Gonzaga and Charlene Gonzales. At dahil sa patuloy na pagkilala ng Philippine Movie Press Club sa kanilang programa ay mas lalo pang nagiging pursigido ang buong team na pagbutihin pa at sipagan lalo ang pagre-research ng mga exlusive showbiz story na sa kanila lang mapa- nonood.

At napagtatagumpayan naman nila ang goal na yan dahil sa ngayon ay ang The Buzz na ang itinuturing na bibliya ng showbiz. Idagdag pa ang mga worth watching segments ng mga hosts like Kuya Boy’s Big Truth kung saan walang labis, walang kulang ay inilalahad ng bisitang celebrity ang tunay na kwento sa isyung kinasang- kutan. Nariyan rin ang Fresh Buzz ni Toni at Celebrity True Story ni Charlene. At dahil hindi nauubusan ng mga pasabog ang nasabing show, aba’y tutok mamayang hapon sa kanilang mga latest pasabog na tiyak na ikawiwindang ninyong lahat. The Buzz airs every Sunday from 4:00 pm to 6:30 pm after LUV U on ABS-CBN 2.

By the way, nais pasalamatan ng tatlong host, ganon na rin ng buong team ng The Buzz ang bumubuo ng PMPC sa pangunguna ng pangulo nito na si Kapatid na Roldan Frias Castro para sa karangalang tinamo na isa na namang malaking achievement para sa kanila. The Buzz, sir Lui, sir Roxy, sir Mico and Ms. Nancy, kayung-kayo na gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply