Construction worker patay sa kasamahan

crime

PATAY ang isang construction worker matapos saksakin ng kainuman makaraan ang pagtatalo sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Chris Amistozo, 31, stay-in sa consrtruction site sa Gen. Concepcion st., Bagong Barrio ng lungsod.

Nakatakas naman ang suspek na si Jason Verasis, 28, kasamahan at stay-in din sa nasabing lugar.

Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw, kainuman ng biktima ang suspek sa nabanggit ng lugar nang magtalo ang mga una.

Nagsuntukan hanggang sa makakuha ng patalim ang suspek bago tinarakan ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU kung saan inaalam na kung ano ang pinagtalunan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply