Corruption sa Comelec SILG Roxas ibabasura sa R-8

AMINADO si Chairman Sixto Brillantes na may nagaganap nga na pangongotong ng ilang tauhan ng Comelec.

‘Yan ang dahilan kaya niya sinuspinde ng 3 buwan si JR Rañeses, Comelec employee na nangotong ng tatlong milyong piso sa ALAM.

Ang katarantaduhan ni Brillantes, eh, kung ihahambing mo sa level ni Rañeses, mangangahas kaya itong mangotong ng ganun kalaking halaga kung walang utak sa likod niya?

At kung ang ALAM na grupo ng mga mamamahayag ay kaya at walang pangingimi na kinotongan ni Rañeses at ng “utak” sa likod niya, eh, ano na lang kaya ang ibang partylist? Magkano kaya ang kanilang hiningi?

Ang ibig kong sabihin Mr. Brillantes, ang dahilan kaya mo sinuspinde si Rañeses dahil naniwala kang ginawa nga niya ang pangongotong.

Aba’y bakit hindi mo inimbestigahan ang kanyang mga “bossing” sa 2nd Division ng Comelec na sina Commissioners Elias Yusop at Lucenito Tagle?

-o0o-

KUNG babasehan ang text messages na ating natanggap bilang reaksyon ng mga taga-Region 8 kaugnay sa talamak na iligal na sugal sa kanilang lugar,  tiyak  na ibabasura nila sa pagka Pangulo si Secretary Mar Roxas sa 2016 presidential elections.

Naniniwala sila parekoy na kahit totoo ang balitang sentralisado nga kay PNP Regional Dir. C/Supt. Elmer Soria ang weekly collection ay kaya itong walisin ni Sec. Roxas kung talagang gugustuhin ng Kalihim!

Maliban na lang parekoy kung si Sec. Roxas mismo ang ayaw itong ipatigil dahil sa pangamba na baka hindi siya suportahan ng “local politicians” doon na maging Presidente.

Dahil  nga  kalat ang balita sa mga tagaroon na mismong ang mga “local officials” ang utak sa kalat na iligal na sugal.

Pero kung iisiping mabuti ni SILG. Roxas, walang silbi ang suporta ng nasabing local politicians kung ang taumbayan na ang galit sa kanya.

Sino nga naman ang gaganahang bumoto sa isang kandidatong Presidente na walang political will!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply