Cyrish Magalang ililibing na mamaya

MAMAYANG alas-3:00 ng hapon na ihahatid sa huling hantungan ang pinaslang na University of Santo Tomas honor graduate na si Cyrish Magalang sa Golden Haven Memorial Park sa Las Piñas

Kaninang alas-diyes ng umaga ay nagsagawa ng misa na inialay para sa biktima.

Kaugnay nito, dingsa ng mga nakikiramay ang huling burol kagabi ng cam laude graduate.

Patuloy namang humihingi ng hustisya ang mga kaanak at dating mga kamag-aral para kay Magalang na brutal na pinagsasasaksak ng 49 na beses noong nakaraang Miyerkules ng gabi sa loob ng isang abandonadong kubo sa Bacoor, Cavite.

Kinasuhan na nitong Lunes ng umaga ang magkapatid na sina Rolin at Roel Gacita Jr. sa pagpatay kay Magalang sa Cavite Provincial Prosecutor’s Office.

Habang inamin na ni Rolin na siya lang ang sumaksak kay Magalang, inihayag naman ni Roel na wala siyang alam sa krimen at siya rin mismo ay biktima rito.

Kapwa humingi ng tawad ang magkapatid na Gacita sa mga magulang ni Magalang pero binungangaan lang sila nito at sinabing kahit dala-dala ang kani-kanilang mga anak sa korte ay hinding-hindi sila mapapatawad sa krimen na kanilang ginawa.

Kasunod ng brutal na pagpatay kay Magalang, ipinanawagan ng anti-crime groups para maibalik ang death penalty, pero hindi sang-ayon dito ang Malacañang at ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Dahil din sa insidente, nagkasa ang Bacoor police ng random drug tests sa mga tricycle driver sa nasabing lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply