Dagdag-pasahe sa MRT, LRT ibinaba sa P6

MULA sa P10, ay ibinaba sa P6 ang target na dagdag-pasahero sa Metro Rail Transit at light Rails Transit.

Ayon kay DOTC Sec. Joseph Abaya sa isinagawang hearing sa Senate Finance Sub-Committee sa 2013 budget ng kagawaran, P6 na lang sa halip na P10 ang ipatutupad na dagdag-pasahe sa mga tren dahil umano sa P900 milyon kabawasan sa national government subsidy sa operasyon ng MRT at LRT.

Ayon pa sa Kalihim, posibleng ipatupad ang naturang pagtataas sa susunod na taon ngunit kailangan muna umanong siguraduhin at ayusin na maganda ang serbisyo ng MRT at LRT sa mga mananakay.

Dagdag pa ni Abaya, hindi ipatutupad ang dagdag pasahe kung hindi naisasaayos ang kanilang serbisyo sakop nito ang mga pasilidad tulad ng escalator at elevator, ticket machines at mga bagon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply