Dahil nilalangaw na ang show..Titigbakin na ito o lilipat sa ibang timeslot

AYON sa isang executive ng isang malaking network, kinukuha lang ni Willie Revillame ang suporta ng publiko kaya nagpapaawa-effect ito sa madlang pipol.

Kesyo marami ang mawawalan ng trabaho kapag nagsara ang programa niya. Na hindi raw siya puwedeng lumipat sa noontime show dahil may utang na loob siya sa ABS CBN at ayaw rin niyang tapatan ang kinikilala niyang kaibigang si Joey de Leon sa show nitong Eat Bulaga.

Ani executive, kilala raw niya si Willie kung paanong gumawa ng eksena. Magaling itong pumukaw ng atensiyon ng publiko gamit ang tulong na naibibigay niya sa mga contestant na mahihirap.

Ito raw ang bagay na magandang gawin para suportahan ng masa. Pero sa totoo naman, pera ni Manny Pangilinan at ng sponsors ang ipinamumudmod sa kanyang programa.

At para raw hindi masabing wala siyang utang na loob, kunwaring umaayaw siya sa plano ng TV5 na ilagay siya sa pangtanghaling programa, ngunit sa loob nito ay gustong-gusto na niyang lumipat dahil hindi niya kinayang maghari sa timeslot niya ngayon. Sa una lang umarangkada ang game show niya pero kalaunan ay nilangaw na rin. Unti-unti pang nawawala ang mga commercials.

Gayunman, bilib pa rin kami sa TV host na ito dahil siya lang ang kaisa-isang host sa telebisyon ang may kusang tumulong o magbigay sa kapwa ng all-out, huh!

Saya at ginhawa ang hatid niya sa kanyang manonood. Hindi katulad ng iba na winiwitikan lang nang konting premyo ang contestant at naiinsulto pa ang pagkatao nito.

***

Mala-holloywood film ang El Presidente

LAST year, ang version na Asiong Salonga movie ni Laguna Gov. ER Ejercito ang naiwang naipalabas sa mga sinehan. Kaya kung susumain ang kinita nito ay baka ito pa ang number one sa takilya. Hanggang ngayon ay paborito pa ring ulit-uliting panoorin sa CD ang nasabing MMFF 2011 entry at ang themesong nito na kinanta ni Gloc 9 kasama ang isang female singer ay humahataw pa rin sa airwaves. Gustong-gusto itong pakinggan ng mga kabataan.

Kaya hindi na kami nagulat sa mga reactions na naririnig namin sa mga nakakikita na sa trailer ng EL Presidente, ang bagong pelikula ni Gov. ER na entry din sa MMFF this year.

Anila, mala Hollywood film ito at talagang ginastusan ng producer. Nakapaninindig palahibo ang mga eksena. At kapag tinutukan mo ay dadalhin ka sa panahon ni Emilio Aguinaldo, kung paanong ipinaglaban niya ang kasarinlan ng Pilipinas laban sa mga Kastila at sa mga Amerikano.

Tamang-tama ang proyektong ito sa mga estudyante at sa mga kabataang nakalimutan na ang ginawa ng ating mga bayani partikular ang supremong si Heneral Aguinaldo para sa inang bayan.

***

Para sa opinyon at reaksyon, magtext sa 09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply