Dahil sa bed bugs: Pinay sinipa sa trabaho sa HK

TANGGAL sa trabaho ang isang Pinay domestic helper sa Hong Kong makaraang makuhanan ng bed bugs sa kanyang mga gamit na umano’y kumagat sa balat ng mga anak ng kanyang amo.

Nabatid na nagkaroon ng rashes ang dalawang anak ng employer ng Pinay na hindi pa pinangalanan at ikinagalit ng kanyang amo at napatunayang kagat ito ng bed bugs.

Nakumpirma naman ng amo na mula pa sa Pilipinas ang bed bugs makaraang inspeksyunin ang bagahe ng Pinay na lalong ikinagalit ng employer at pinalayas ito.

Maaaring nakuha umano nito ang mga bed bugs sa kanyang tinuluyang boarding house at napasama sa kanyang mga gamit nang lumipat siya sa bahay ng kanyang employer.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply