Dahil sa lalaki: Ex-sexy star nakipagsabunutan sa peryahan

NAGKAGULO sa isang peryahan sa Dasmarinas, Cavite dahil sa dating sexy star na nakipagsabunutan sa isang girlitang hindi naman maganda pero sexy. Halos hindi raw mapigtas sa pagkakahawak sa isa’t isa ang dalawa. Parehong ayaw magpasaway. Ang dahilan ng away ng mga ito ay isang machong lalaki.

Actually, matagal na raw hina-hunting nung babae ang sexy star na nagka-award na rin dahil sa may galing namang umarte. Nabalitaan kasi nitong una na nakikipag-date ang huli sa kanyang live-in partner. At nung isang araw habang magkasamang naglalaro sa peryahan ang nasabing julakis at itong dating artista ay na-Julie Vega (nahuli) sila ng mataray na hitad at doon nagpang-abot ang dalawa.

Mabuti pa raw ang water ay nabi-break, pero ang dalawa ay mahirap paghiwalayin sa pagkakasabunot sa isa’t isa. Ultimo si Papa Macho ay hindi sila masaway. Tuloy ang mga barakong miron ay nag-enjoy sa panonood sa kanila dahil pareho raw naka-pekpek shorts ang mga itetch.

To cut the long and salivating (Hahaha!) story short, nagkapirmahan sa barangay. Nangako ang bida natin na lalayuan na nito si papa macho. Hindi na siya puwedeng lumapit dito. Hanggang 50 meters away daw ang layo, huh!

Sermon: Bakit kasi hindi matahimik ang lekat sa paghahanap ng lalaki? Ang dami na niyang anak at iba’t iba ang ama pero patuloy pa rin siya sa pakikipag-churvahan. Mabuti sana kung hindi siya nagpapabuntis, eh, malakaran lang siya ng boy lumolobo na agad ang tiyan niya. Giatay!

***

Extra Kayod sa Navotas Ngayong Weekend sa Extra Challenge

GAANO nga ba kahirap kumita ng pera? Iyan ang malalaman at dadanasin ng Extra Challengers na sina Geneva Cruz, Sheena Halili, Mystica, at Rochelle Pangilinan ngayong Sabado at Linggo sa Navotas.

Pagdadaanan nila ang sari-saring trabaho para matulungan ang dalawang pamilyang kumupkop sa kanila.

Si Mystica, mukhang hindi na kinaya ang unang challenge. Unang sabak pa lang, bibigay na nga ba? Ano kaya ang dahilan ng emergency situation ng Reyna ng Split?

Sa challenge na ‘Gaano Kahigpit ang Kapit ng Gipit,” kailangang tumawid ang challengers sa isang slackline na naka-suspend ng 30 ft sa itaas ng Navotas Bay.  Sino kaya ang unang makatatawid sa lubid na may habang 45 ft? Sino ang mahuhulog at sino ang magku-quit? At sino ang masusuka sa lula?

Eeksena rin ang challengers sa Navotas Fish Port para makuha ang korona ng Reyna ng Banyera at ang tumataginting na pot money. Anu-ano kaya ang gimik na gagawin ng apat para makabenta ng isda?

Abangan din ang pakikisalamuha nina Extra Challenge hosts Richard Gutierrez at Marian Rivera sa mga kabataan ng Isla Pulo na nag-aaral sa isang makeshift classroom. Ano kaya ang ituturo nina Teacher Richard at Marian?

Sino ang tatanghaling Extra Challenge Champion sa ‘Extra Kayod sa Navotas’ series? Alamin ngayong Sabado at Linggo, November 17 at 18, 7:30pm, sa GMA-7.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!      

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply