Dalagang binoga sa Cubao, talent ng ABS-CBN

UMEEKSTRA-EKSTRA sa mga ABS-CBN television shows ang babaeng natagpuang patay na may tama ng baril sa katawan sa Cubao, Quezon City nitong nakaraang Martes.

Kinilala ng kanyang pamilya at ng kanyang manager na kapwa ayaw magpabanggit ng mga pangalan nitong Miyerkules ng gabi (Nobyembre 7) ang bangkay na si Julie Anne Rodellas, 20-anyos. Si Rodellas ay part-time na nagtatrabaho bilang talent sa ilan sa mga ABS-CBN shows.

Binaril si Rodellas sa kanto ng Don Jose St., at  18th Avenue sa Murphy Cubao nitong nakaraang Martes ng madaling araw.

Sinabi ng ilang testigo, na nakita nilang itinulak ito mula sa isang kulay asul na Mitsubishi Montero na hindi nakuha ang plaka bago pinagbabaril.

Nagtamo ito ng tamang bala mula sa kalibre .45 sa ulo at dibdib at hawak pa nito ang isang plastic na may laman na pagkain nang matagpuang nakahandusay sa gilid ng kalsada.

Base sa resibong nakita na kasama ng pagkain, na mula ito sa isang fastfood chain sa Ermita, Manila.

Blangko pa rin ang pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay kay Rodellas pero para paslanging ang isang babae ay sapat na para sabihin nama’y malaking atraso sa mga suspect ang naturang dalaga na inilarawan na mabait, maganda, seksi at bread winner ng kanyang pamilya.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply