Dalagita nagbigti patay

INAALAM na ng mga pulis ang dahilan upang magbigti ang isang dalagita sa loob ng kanilang bahay sa Navotas kaninang umaga.

Patay na nang makita ang biktimang si Jovylyn Cero, 17,  ng T. Gonzales st., San Jose ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9 ng umaga nang makita ng isang kaanak  na nakabigti ng extention cord sa loob ng kanilang bahay.

Dahil patay na, hindi na dinala sa ospital ang biktima at kinalag na lang sa pagkakabigti.

Inaalam na ng mga pulis  kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply