Dalagitang biktima ng human trafficking, nailigtas

NAILIGTAS kahapon ang isang 16 anyos na dalagita sa lalawigan ng Cuyo matapos salakayin ng magkasanib na pwersa ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police (PNP) Cuyo, Palawan Municipal Social Welfare and Development ang isang KTV bar na pinaniniwalaang pronta ng putahan.

Sa report ng PCG, isang dalagita na itinago sa pangalang “Chona” ng Pala Pala, IloIlo City ang nagbigay ng salaysay na ni-recruit siya para magtrabaho sa isang KTV bar, nitong nakalipas na buwan ng isang alyas “Mr.Abellar” sa Cuyo.

Isang araw pa lamang umano ang nakakalipas, nang madiskubre ng dalagita na prostitution pala ang kanyang napasok, kaya tumakas ito at nagsumbong sa PNP/MSWD, kung saan inilatag ang isang entrapment operation.

Ayon sa PCG, nasakote nitong nakaraang Lunes, Nobyembre 5, ang sinasabing illegal recruiter na nakilalang si Welden Abellar.

Natunton ng PCG si Mr.Abellar habang nagsasagawa ng pre-Departure Inspection ang Coast Guard Station sa MV MJ5 ng Montenegro Shipping Lines Inc sa Cuyo Pier. Si Mr.Abellar ay pabalik na ng Pajardo Extension, Jaro, Iloilo City.

Si Abellar ay pansamantalang nakakulong sa Cuyo PNp habang inihahanda ang kaukulang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply