Daloy ng trapiko sa SLEX at NLEX, balik-normal na

NAGBALIK na sa normal ang daloy ng trapiko sa mga sasakyang papasok sa Maynila lalo na ang mga motoristang bumibiyahe mula sa iba’t ibang lalawigan.

Maayos na ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) matapos dagsain ang mga ito kagabi ng mga papauwing pasahero matapos ang Undas.

Unti-unti nang nagbabalik Maynila ang ilang mga bakasyunista nitong long weekend.

Batay sa tala ng dalawang pangunahing tollways sa bansa, inaasahan na ang malaking bulto ng mga sasakyan na magsisiuwian kahapon pa upang hindi na sumabay pa sa dagsa ng mga bakasyunista ngayong Lunes.

Ayon sa North Luzon Expressway (NLEX), tinatayang aabot sa 220,000 mga sasakyan ang dadagsa sa kanila habang 250,000 naman ang sa South Luzon Expressway (SLEX).

Sa kasalukuyan, wala ring namataang mahabang pila sa anumang toll plaza sa NLEX maliban sa southbound ng Balintawak papuntang EDSA.

Maluwag ding matatahak ang kahabaan ng SLEX mula Magallanes, Merville, Bicutan, Sucat, at Alabang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply