Dapudong dinaya sa Africa

dapudong

INAKALA ng maraming boxing fans na hindi na mauulit ang sinapit ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley nang dinaya ito ng mga hurado.

Ito ay matapos magtamo ng gayunding kapalaran ang Pinoy boxer Edrin Dapudong makaraang magtamo ng split decision loss na kahit basag na basag ang mukha ng kalabang si South African Gideon Buthelezi at isang beses niya itong napaupo sa lona ay natalo pa rin siya.

Naganap ang laban sa Emperor Palace Hotel Casino Resort Pavilion sa Johannesburg, South Africa kung saan maging ang kampo ng kampeon ay nagulat.

Maraming ulit na nasukol ni Dapudong ang kalaban at nakatama ito  ng malulutong na sapak, subalit napagtatakang natalo pa rin ang Pinoy boxer.

Tatlo o apat na beses na binayo ng sapak sa katawan ni Dapudong ang African boxer kung saan sa tantiya ng mga kritiko ay dalawa o tatlong round lamang ipinanalo ng kalaban.

Inamin naman ni trainer Aljo Jaro na nagkamali sila dahil dapat ay tinapos nila ng knockout ang laban kaya naganap ang kanilang kinatatakutang pandaraya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply