DAR sa KMP: Maghain ng petisyon vs ‘di benepisaryo ng Hacienda Luisita

DAR-chief-delos-reyes

HINIMOK ni Agrarian Reform Secretary Virgilio delos Reyes ang mga lider ng  Kilusang Magbubukid sa Pilipinas (KMP) at iba pang grupo na maghain ng Petition for Exclusion sa kanilang tanggapan laban sa limang magsasaka na hinihinala nilang hindi umano nararapat na maibilang sa listahan ng mga magsasakang makakatanggap ng lupa sa Hacienda Luisita.

Ipinaliwanag ni Delos Reys na binibigyan pa rin naman nila ng pagkakataon ang mga magsasaka na matunghayan ang inilabas nilang master list upang masuring mabuti kung sino-sino ang nararapat na benepisyaryo at matanggal sa listahan ang mga kuwestiyunableng mga indibiduwal na naisama sa listahan ng mga magsasaka na makakatanggap ng lupa sa Hacienda Luisita

Tinaningan ng DAR ang mga magrereklamo na maisumite sa kanyang tanggapan ang lahat ng petitions for exclusions ng hanggang Nov. 30, ng taong kasalukuyan at nararapat, aniya, na sinumpaan ang mga nasabing reklamo na may kaakibat na mga dokumento na magsisilbing katibayan sa kinukuwstiyon nilang mga indibiduwal na hindi manggagawa ng Hacienda Luisita.

Kamakaian lamang ay nagpaskil ng Preliminary Master List of Farmworker Beneficiaries of Hacienda Luisita ang DAR sa lahat ng 10 barangay sa loob ng Hacienda Luisita at provincial list para doon naman sa mga taong makakapagbigay sa kanila ng karagdagang ebidensiya na sila’y mga orihinal na manggagawa ng Hacienda Luisita magmula pa noong 1989.

Nakatanggap din ng kopya ng masterlist ang DAR Tarlac provincial office, DAR municipal offices sa  Tarlac City, La Paz, at Concepcion. Lahat ng farmers organizations sa Hacienda Luisita, na kinabibilangan ng ULWU, AMBALA, at FARM.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply