Dating beauty queen nambabato

INIS na inis ang mga katrabaho ng dating beauty queen dahil sa sobrang arte nito. Kapag nasa set ito’y feeling sikat at animo’y donya kung makapag-utos sa mga tao. Kahit ang mga bagay na gusto nitong kunin ay nasa tabi lamang niya ay pasigaw pa nitong iniuutos sa staff na iabot sa kanya.

Tinalbugan pa nito ang bida sa serye na napanonood tuwing hapon sa isang malaking network kung umasta. May isang insidente pa kung saan bigla na lang daw nagtataray ang hitad at nambato ng bote ng mineral water.

At kapag kinuha siya para sa isang proyekto, kailangan laging package deal. Dapat kasama niya ang kanyang anak na wala namang name sa showbiz sa bawat project na gagawin niya at siya pa ang magbibigay ng presyo.

***

Katherine Luna nakipagkalmutan dahil sa lalaki

NAKA-blotter umano sa Barangay Mabuhay, Dasmarinas, Cavite ang nangyaring gulo sa isang peryahan na involve ang dating sexy actress. Nakipagkalmutan, sabunutan at tadyakan ang huli sa isang Japayuki na karelasyon ng nagngangalang Ramon Montero.

Ayon sa kuwento ng source, nagkaroon daw ng ugnayan si Katherine sa nasabing lalaki sa kabila nang ka-live-in na nito ang una.

Nung Lunes, Nobyembre 12 ng hapon, nagpang-abot diumano ang dalawang babae sa isang peryahan nang maaktuhan ng karelasyon ng nabanggit na macho papa ang huli na kasama itong dating artistang naging best actress sa pelikulang Breakwater kaya nagkaroon ng engkuwentro.

Naayos naman daw sa barangay ang nangyari at nangako si Katherine na iiwasan na raw nito na makipagmabutihan sa nasabing guwapong guy na may ibang mama na pala.

***

Walang kupas ang beauty ni Azenith Briones

NAKATUTUWA namang malamang avid reader pala ng column na ‘to ang wala pa ring sa kupas sa gandang si Ms. Azenith Briones.

Hanggang ngayon ay seksi pa rin ito. Bata at sariwa pa rin ang itsura.

Friend pala ni Ms. Azenith si Sol Aragones na anchor ng DZMM at field reporter ng ABS CBN Channel 2 na ngayon ay tatakbong kinatawan ng ikatlong-distrito ng Laguna kung saan matatagpuan ang mga bayan ng San Pablo, Nagcarlan, Calauan, Alaminos, Victoria at Liliw.

Sa ilalim daw ng bandila ng United Nationalist Alliance (UNA) nina Erap at Vice President Jejomar Binay tatakbo si Sol. Goodluck Ms. Aragones!

Anyway, sana makausap natin ang dating beauty queen nang matanong natin siya tungkol sa kanyang pinagkakaabalahan ngayon maliban sa pagsuportang ginagawa nito sa papalaot sa pulitikang broadcast journalist.

***

Para sa opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply